Politiko nagregalo ng pokpok

Sino raw itong politiko ang nagregalo ng mga prostitute sa mga kaibigang bumisita sa kanyang lalawigan?

Kuwento ng isang impormante kay Mang Teban, sinorpresa raw ng mga kaibigan itong politiko nang bisitahin nila ito sa lalawigan.

Kahit hindi nakapaghanda, aba’y dinala agad ng politiko sa restawran ang kanyang mga kaibigan.

Umorder sila ng mga fresh food tulad ng isda, sugpo, alimango at tahong pati na ang delicacy ng kanilang lalawigan.

Inabot sila ng ilang oras doon sa kalalafang na sinabayan ng tungga ng beer samantalang ang iba ay hard naman ang nilaklak.

Sinagot na rin ng politiko ang bayad sa hotel na tutulugan ng mga bisita, as in kumpletos rekados talaga ang pagtrato sa mga kaibigan.

Hindi lang yan, may bonus pa si politiko dahil pag-uwi ng mga kaibigan sa hotel, pinahabol pa niya ang mga tahong este mga prostitute sa bawat kuwarto.

Tinanghali raw ng gising ang mga kaibigan ng politiko, paano ba naman ay magdamag na nilantakan ang niregalong pokpok sa kanila ng politiko.

Clue. Ang politiko ay kilalang sipsip sa Pangulo kahit sino man ang nakaupo.

The post Politiko nagregalo ng pokpok first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments