Bigyang-daan natin ang apela ng grupo ng mga may-ari ng driving school sa bansa kaugnay sa bagong direktiba ng Land Transportation Office (LTO).
Ito ang nilalaman ng panawagan ni Marites A. Gavino ng Smart Driving School
***
Sa Government Officials po ng LTO, magandang araw po sa inyo.
Pasensya at dito ko na lang ilalahad ang aking saloobin tungkol po sa inyong na-mention sa ating Consultative Meeting na kayo po diumano ay mag-Regulate ng Maximum Tuition Fees para sa aming mga Driving Schools (DS). Nawa po ay mabasa ninyo itong aking hinaing bilang Ina ng aming kompanya at sa mga daang bilang ng empleyado ganun na rin po sa aking pamilya, mga anak at apo.
With due respect po, nakakasindak ang inyong panukala at nakakapag-alala lalo na sa Driving Safety Education na matagal na panahon na po naming advocacy at pinatutupad sa aming pagtuturo.
Sa usapin pong Anti Poor, kailanman kung inyo pong ihahambing sa ibang klase ng Skills Education halimbawa po ay swimming na nagkakahalaga ng P1K per hour, kami po sa Basic Course po namin na manual ay nasa P500 pababa lamang po. Napaka-risky po ang mag-aral magmaneho at marami pong kaukulang Overhead Expenses po kaming pinagkakagastusan halimbawa po 1car-1instructor per student po ang sistema ng pagtuturo. Sa maraming taon na pong dumaan ay nakapirmis lang po ang Regular Course para sa mga kababayan natin na ito lamang ang afford nila sa pag aaral. Dumaan na po ang maraming kalamidad lalo na ang pandemic, giyera sa ibang bansa na labis naapektuhan ang gasolina subalit kailanman ay hindi kami makapagtaas bagkus nagbabaksakan presyo pa gawa ng mahigpit na competition sa dami ng nagtayuan ng DS. Nandiyan pa ang mga fixer na triple or higit pang sumingil na siya pang tinatangkilik ng mga kapwa natin Pilipino. Tanong ko nga, papaano ba nakakalusot ang gawain ng fixers kung ito po ay nilalabanan or hinaharang po sa loob ng opisina ng LTO.
Maaari din po bang magkaroon ng mahusay na IT System upang maiwasan na ang aming mga certificates sa DS ay hindi makopya ng mga fixers? At dapat sa system, makapag-log in kami ng aming mga Certified Graduate Students at yun ang maging basehan sa tatanggapin lamang ng LTO na aplikante.
Naringgan ko po doon sa bulwagan na dapat na kaming sumang-ayon na lamang sa inyong proposed fees at baka kami pa ay iharap sa CONGRESS.
Sa totoo lang po, mas gusto ko po ito kung kami po ay kanilang irerespeto at pagkakalooban ng karapatang makapagsalita ng aming saloobin. Ako po at ang aming kompanya kailanman ay wala pong nilabag na batas kaya malakas po ang loob kong humarap sa kanila at sagutin ang kanilang mga katanungan sa Larangan po ng Pagtuturo ng Pagmamaneho.
Hangad ko po na mapakinggan kami at hindi po kami mawala or mabalewala sa aming adhikain na maituloy ang aming serbisyo bilang katuwang ng inyong opisina sa pagpapalaganap ng tama at ligtas na pagmamaneho.
Sana tuluyan na nating mapuksa ang mga Kamote Drivers na siyang nagpeperwisyo at nagbabadya sa kaligtasan ng ating mga mahal sa buhay. Maraming salamat po at nawa ay kasiyahan tayo ng DIYOS.
The post Driving school nanawagan sa LTO first appeared on Abante Tonite.
0 Comments