Esmi, boylet pinakulong ni mister

INARESTO ang isang construction worker at kinakasama nito nang ireklamo ng mister ng huli matapos mahuling nagli-live in sa Tanza, Cavite Linggo ng umaga.

Sa reklamo ni alyas Sid, 36, ng Upper Bicutan, Taguig City kay PSSgt Joycell Javier ng Tanza Police Station, natunugan nitong ang misis niyang si Jona, 30, at ang kalaguyo niyang si Ray, 28, binata, construction worker, ay nagsasama sa iisang bubong.

Dahil dito, nakipag-ugnayan si Sid sa mga Barangay Tanod ng Brgy Amaya kamakalawa ng umaga kung saan naaktuhan ang dalawa na nagsasama kaya sila inaresto.

Kasong adultery ang isinampa ni Sid laban sa kanyang misis at kalaguyo nito. (Gene Adsuara)

The post Esmi, boylet pinakulong ni mister first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments