Joel Embiid, Philadelphia lumusot kay Giannis Antetokounmpo, Milwaukee

Nag-rally mula 18-point deficit ang Philadelphia bago ibinaon ni Joel Embiid ang go-ahed 3 walang isang minuto na lang sa laro at inagawan ng 76ers ang dinayong si Giannis Antetokounmpo at Milwaukee 133-130 nitong Sabado.

Natagpas din ang 16-game winning streak ng Bucks, pinakamahaba sa NBA sapul nang magtuhog ng 18 ang sila noong nakaraang season.

Iwan ang Sixers (41-22) 125-121 nang ibaon ni James Harden ang 30-foot 3. Kasunod ng sablay ni Antetokounmpo, pinakawalan ni Embiid ang pang-agaw lamang na tres 127-125, 41 seconds na lang.

Sinelyuhan ng Philly ang panalo sa 6 of 6 free throw shooting.

Tumapos si Harden ng 38 points, 9 rebounds, 10 assists, may 31-6-10 si Embiid. Umayuda ng 26 markers si Tyrese Maxey.

Tapon sa basurahan ang 34 points, 13 rebounds ni Antetokounmpo at tig-26 points nina Brook Lopez at Jrue Holiday sa Milwaukee (45-22). (Vladi Eduarte)

The post Joel Embiid, Philadelphia lumusot kay Giannis Antetokounmpo, Milwaukee first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments