Misis dedbol sa motor

PATAY ang isang babae nang mabundol ng motorsiklo habang tumatawid sa Tanza, Cavite Sabado ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Vanessa Pamindalan, nasa wastong edad, na idineklarang dead on arrival sa General Emilio Aguinaldo Memorial Hospital.

Sa ulat ni PSSgt Joycell Javier, ng Tanza Police Station, minamaneho ni Joselito Mayoral y Tafalia, nasa wastong edad, ang kanyang Yamaha Nmax sa A. Soriano Highway sakop ng Tanza patungong Manila nang pagsapit sa Brgy Sahud Ulan ay aksidente nitong nabangga ang biktima na noon ay tumawid ng kalsada alas-4:00 ng umaga kamakalawa.

Dahil sa malakas na pagkakabangga, nagtamo ng malalang sugat ang biktima kaya namatay bago pa man nakarating sa ospital. (Gene Adsuara)

The post Misis dedbol sa motor first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments