Karla ‘di ka-level ni Amy

Napapabalitang ang bago at reenergized version ng Face to Face ang papalit sa timeslot ng Tropang LOL .Magpapaalam na sa ere ang naturang show sa susunod na buwan.

Ang tsika ay iho-host ito ni Karla Estrada.

Pero, hindi pa man nakukumpirma ang pagbibida ni Karla sa show, umani na agad ng samu’t-saring reaksyon sa mga netizen ang nasabing balita.

Hirit ng mga nagmamaldita, di raw kayang tapatan ni Karla ang werpa ng original host nitong si Amy Perez pagdating sa pagha-handle ng ganitong klaseng programa.

Sey pa nila, hindi raw ka-level ni Karla si Amy Perez.

May mga nagsasabi ring swak si Amy sa nabanggit na show dahil cool lang ito sa pagharap sa mga bardagulan sa show.

Para sa kanila, bet nilang maging host ay iyong hindi pikon at kayang mag-referee sa mga nag-aaway sa show.

Ang Face to Face na umere noong 2010 hanggang 2013 ay isa sa top-rating shows ng TV 5.

Ito ang itinuturing na “barangay hall on air” kung saan ang mga sigalot ay kinakaharap ng magkabilang- panig.

Ang controversial na talk show ay tinatawag na Pinoy version ng popular American show na “Jerry Springer.”

The post Karla ‘di ka-level ni Amy first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments