Jay Tarriela binuking research vessel ng China `nag-survey’ sa Panatag Shoal

Ibinunyag ni Philippine Coast Guard (PCG) Spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Jay Tarriela ang pagpasok ng isang Chinese survey vessel sa loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas, partikular sa Panatag Shoal o kilala ring Scarborough Shoal.

Umabot umano sa 25 araw ang pananatili ng barkong Haiyang Dizhi Shihao sa Panatag Shoal.

“The DFA (Department of Foreign Affairs) confirms no permit was ever issued for this Marine Scientific Research. It is illegal,” sabi ni Tarriela sa kanyang social media post.

Pumasok umano ang 76-metrong barko sa EEZ ng Pilipinas noong Agosto 10, kabilang ang 22-kilometrong territorial sea sa paligid ng Panatag Shoal.

Iginiit ni Tarriela na sinadya ang timing ng pagpasok nito habang abala ang mga sasakyang pandagat ng Pilipinas sa epekto ng mga bagyo at habagat.

Ayon pa sa Coast Guard, ang barko ay pinatatakbo ng Guangzhou Marine Geological Survey ng China at may kakayahang mag-drill sa seabed.

Tinukoy rin ni Tarriela na noong 2023, nakapagsagawa umano ang naturang barko ng pagbabarena hanggang 302.07 metro sa ilalim ng seabed.

The post Jay Tarriela binuking research vessel ng China `nag-survey’ sa Panatag Shoal first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments