Madam MJ tatapatan ang ‘ASAP,’ ‘AOS’ ng ‘Stan Party’ sa AllTV

NI: ROLDAN CASTRO

Umaarangkada ang Gutierez Celebrity and Media Production ni Madam MJ Gutierez

Hindi lang sa pelikula ang kanyang ipoprodyus kundi pati na rin ang maraming tv shows na mapapanood sa AllTV.

Ginanap ang bonggang launching ng kanyang production sa SM North Edsa Skydome, Quezon City.

Marami na namang matutulungan ang kanyang kompanya para sumigla ang showbiz at makapagbigay ng trabaho.

Ilan sa kanilang proyekto ay ang ‘The Lasting Love To Remember,’ ‘The Life Savers,’ ‘Stan Party’ at ‘Love Bound,’ at ang pelikulang Jeongbu,

Nilulutong pangsabong ng ALLTV at ni Madam MJ ang Stan Party (Sunday Trending and Non-stop Party) sa ASAP Natin To ng ABS-CBN at All Out Sundays ng GMA-7.

Sa kanilang launching dumalo sina Aljur Abrenica at Topel Lee para sa Jeogbu.

Makakasama ni Aljur sa horror movie na ito si Ritz Azul.

Nakisaya rin sa paglulunsad ng GCAMP sina Kelvin Miranda, Andrew Gan,Wize Estabillo, Klinton Start, Direk Jun Miguel, John Arcenas, Briant Scott Lomboy, Justin Lee, Patrick Quiroz, Andrew Galvez, Kiara Takahashi, Isaiah Tiglao, Gifer Fernandez, atpa.

“Nagpapasalamat ako kay Lord for giving me strenght na itayo ang Gutierez Celebrity and Media Production.Sobrang challenging siya pero sinusubukan namin. Marami kaming nakalinyang mga magagandang project in partnership with ALLTV,” deklara ni Madam MJ.

Samantala, isa pang pasabog ng GCAMP ay ang gagawing pelikula ni Kisses Delavin para sa kanyang pagbabalik showbiz.

The post Madam MJ tatapatan ang ‘ASAP,’ ‘AOS’ ng ‘Stan Party’ sa AllTV first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments