Matangkad na aktor crush si Small

Guest ni Isko sa kanyang online show ang entrepreneur-vlogger na si Small Eduardo Laude .

Tinanong ng dating alkalde ng Maynila kung may plano ba itong pumasok sa politika.

Ang sagot ni Small ” may posiblilidad.”

And if matutuloy, ano naman daw ang tinatarget niyang posisyon?

“Malamang sa Kongreso, sabay “hi” kay Congressman Richard “Goma” Gomez

Inurirat ni Isko kung may nanligaw ba sa kanyang aktor noon?

Ang sagot ni Small, wala. Pero may alam daw siya na may nagka-crush sa kanyang isang matangkad na aktor na sikat na sikat daw noon, pero hindi na lang daw niya papangalanan. (Beth Gelena)

The post Matangkad na aktor crush si Small first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments