Isang maaliwalas na araw ang simula ng Team Philippines sa 6th Asian Beach Games sa Sanya, China kung saan tinawag ni Philippine Olympic Committee president Abraham ‘Bambol’ Tolentino ang delegasyon bilang isang fighting team.
“Mayroon tayong isang matatag na koponan na binubuo ng 101 atleta dito sa Sanya at ang layunin ay makapag-iwan ng marka sa pamamagitan ng panalo ng maraming medalya hangga’t maaari,” pahayag sa Ingles ng opisyal.
Pero ayon kay Tolentino, may dalawang layunin ang kampanya ng bansa rito na suportado ng Philippine Sports Commission na pinamumunuan ni John Patrick ‘Pato’ Gregorio, na may taong 2028 sa isipan.
“Ang mga laro ng ating mga atleta ang magsisilbing batayan para sa atin, partikular sa Cebu, kapag tayo ay nag-host ng 2028 ABG,” hirit niya. “Magiging jumping board ito para sa ating mga atleta at sa bansa na lumitaw bilang pinakamahusay na 2028 host kailanman.”
Nilarawan naman ni Chef de mission Donaldo ‘Don’ Caringal, sa kabilang banda, ang mood ng mga atletang Pilipino bilang “maliwanag at maaraw” sa bisperas sa inaasahang marangyang seremonya ng pagbubukas (ngayong Miyerkoles).
“Magandang senyales ito. Nanalo tayo sa ating unang laro at ngayon (Martes) tinitingnan na rin natin ang iba pang mga venue dito – beach volleyball at sports climbing. Magandang araw para sa Team ‘Pinas,” lahad ni Caringal, ukol sa 20-18, 28-16 win ng men’s handball team kontra Hong Kong.
“Sa usaping performance, hindi pa namin masabi, pero siyempre, umaasa kami ng pinakamainam lalo na para sa ating mixed martial arts at siyempre sa handball teams, magagaling sila,” dagdag niya. (Abante Tonite Sports)
Ang dalawang beses na kampeon sa jujitsu na si Annie Ramirez ang magiging tagapagdala ng watawat kasama si Yman Xavier Baluyo sa parada ng mga atleta sa Tianya Haijiao Ring Theater sa Yasha Park Phase 1.
“Ang aming paghahanda na pinangunahan ng POC at siyempre ng aming Pangulo na si Bambol Tolentino ay tinitiyak na mayroon kaming napakagandang delegasyon dito,” ani Caringal. “Malaking tulong ito para sa ating mga atleta. Sa katunayan, ang ABG ay naantala ng mahabang panahon. Nagkataon lang na nagpasya ang OCA na ituloy ito muli.
“Maganda ito dahil magpapatuloy para sa susunod na edisyon. Swerte kami na nakuha namin ang 2028 hosting job.
Bukod kay Ramirez, ang mga tayang Pinoy ay kakasa sa 3×3 basketball, open water swimming, water polo, aquathlon, beach athletics, beach handball, beach kabaddi, beach soccer, beach volleyball, beach wrestling, dragon boat, sailing, sport climbing at teqball.
Kasama rin sa mga may potensyal na makakuha ng medalya ang isa pang standout sa jujitsu, si Kaila Napolis, at ang women’s beach volleyball team ng Southeast Asian Games gold winner na si Sunny Villapando na makikipagtulungan sa pagkakataong ito kina Sofiah Pagara, Khyle Progella, at Grydelle Matibag.
Ang mga quartet ng basketball 3×3 at triathlon na sina Raven Alcoseba at Erika Burgos sa panig ng kababaihan at ang trio ng mga lalaki na sina Andrew Remolino, Inaki Lorbes at Matthew Hermosa atat na mga igiit na hindi sila basta-basta.
Ang Pilipinas ay nakakuha na ng limang ginto, 10 pilak, at 35 tanso sa ABG noong 2008 sa Bali, 2010 sa Oman, 2012 sa Haiyang, at 2014 sa Phuket. (Abante Tonite Sports)
The post 101 aleta palaban sa Sanya Games – POC president Abraham Tolentino first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments