‘Pag tsinugi TVJ: Alden lalayasan ‘Eat Bulaga’

Sinabi ni Cristy Fermin na babu “Eat Bulaga” na si Alden Richards kapag nawala sa programa ang iconic trio na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon o TVJ.

Noong nakaraang linggo ay nagbalik na si Alden sa “Eat Bulaga” matapos ang ilang buwan na pagliban dito.

Sa episode ng “Showbiz Now Na”, naikuwento ni Cristy na nakausap niya si Alden at sinabi raw nito sa kanya na hindi tatanggapin ng aktor ang anumang offer ng bagong management ng “Eat Bulaga” kung mawawala rito ang TVJ.

“Ito po ang totoo at ito po ay sa akin niya talaga sinabi, na anuman daw pong offer ang ibigay sa kanya ng bagong pamunuan ng Eat Bulaga, hindi siya sasama,” lahad ni Cristy.

Marunong daw kasing tumanaw ng utang na loob si Alden sa mga taong tumulong na makilala siya.

“‘Yung mga tao kasi na talagang naging dahilan kung paano siya naging Alden Richards, oo artista na noon si Alden, oo TV star na siya pero ‘yung pag-akyat talaga nang todo-todo ng pangalan ni Alden Richards, nangyari ‘yan sa AlDub,” saad pa ni Cristy.

Magugunitang sumikat nang husto ang binansagang Pambansang Bae nang pumatok ang AlDub love team nila ni Maine Mendoza sa Kalyeserye segment ng EB noong 2015. (Issa Santiago)

The post ‘Pag tsinugi TVJ: Alden lalayasan ‘Eat Bulaga’ first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments