Sisimulan na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pagsisiyasat sa umano’y assassination plot laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr base sa sinumpaang salaysay ni Ramil Madriaga sa House Committee on Justice.
Sa sinumpaang salaysay ni Madriaga, may kasunduan umano ang kampo ng mga Marcos at Duterte na bababa sa puwesto ang Pangulo sa 2025 para kay Vice President Sara Duterte. May mga “backup plan” umano kabilang ang destabilisasyon at pagpatay kung hindi ito matutuloy.
Sinabi ng Malacañang na nagulat si Pangulong Marcos sa alegasyon at iginiit na wala siyang intensyong hindi tapusin ang kanyang termino.
Dagdag ng Palasyo, ang NBI ang pangunahing ahensiya na may tungkuling mag-imbestiga sa mga banta laban sa Pangulo at sa sinumang mamamayan.
Samantala, nagpapatuloy din ang hiwalay na imbestigasyon ng NBI kaugnay ng mga naunang alegasyon ni VP Sara, kabilang ang umano’y banta laban sa Pangulo at iba pang opisyal.
The post NBI tatalupan kill plot kay Bongbong Marcos first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments