May 671 bagong kaso ng Omicron COVID-19 subvariants ang naitala ng Department of Health (DOH) sa bansa.
Sa pinakahuling COVID-19 biosurveillance report ng DOH na inihayag nitong Miyerkoles, 468 sa mga naturang bagong kaso ay klasipikado bilang BA.2.3.20; 149 ang XBB; siyam ang XBC; walo ang BA.5; apat ang BN.1; at 33 ang iba pang Omicron sublineage.
Ayon sa DOH, resulta ito ng ginawang pagsusuri sa mga nakuhang sample ng Philippine Genome Center noong Pebrero 27 na inilabas lamang nitong Miyerkoles.
Samantala, hanggang nitong Martes, Marso 7, ay nasa 8,901 umano ang mga aktibong COVID-19 case sa bansa.
Nasa 4,077,183 COVID-19 infection naman ang naitala kung saan ay 66,167 sa mga ito ang nasawi matapos tamaan ng virus. (Juliet deloza-Cudia)
The post PH may 671 bagong kaso ng mga Omicron subvariant – DOH first appeared on Abante Tonite.
0 Comments