Pinagliyab nina Felipe Azevedo ng Portugal at Sarah Crowley ng Australia ang mga tsansa sa titulo sa bike leg at tinabig ang paghahabol ng mga karibal sa sa panaradong run upang tanghaling hari’t reyna ng
2023 Alveo IRONMAN 70.3 Davao sa Azuela Cove, Davao City.
Isa si Azevedo, 30, sa tatlong naglalaban kasama sina Serbian Ognjen Stojanovic at Tuan Chun Chang ng Taiwan sa swim pagkaraa’y kinontrol ang sagupan sa halos apat na minutong lamang kay Chang sa bilis sa bisikleta (2:00:17) sa Transition 2.
Nagtuloy ang ragasa niya sa mahirap na takbuhan (1:20:38) sa mainit na panahon upang mamayagpag sa sa 3:51:09 sa 1.9k swim-90k bike-21k run distance event powered by Petron.
Si Stojanovic ang may best clocking sa closing leg (1:18:02), pero kapos ang paghahabol para sumegunda sa 3:52:28, habang naorasan si ng Chang ng 3:57:12 para sa tersera kasunod sina American Robbie Deckard (5:09:01) at Zsombor Deak ng Romania (4:14:27).
Umentra pagkatapos si Crowley sa 4:20:04 upang manaig kina Lauren Brandon ng US (4:22:49) at Lottie Lucas ng United Arab Emirates (4:25:09) sa kanilang dibisyon sa pro sa pagmantine ng tubong Brisbane sa magkasunod na mga panalo tapos walisin ang tatlong Australian IRONMAN noong isang taon, kabilang ang IM Western Australia sa Busselton nu’ng Disyembre.
Umahon si Brandon sa dagat na halos dalawang minutong abante kina French Julie Iemmolo, Lucas at Crowley. Pero sumipa si Crowley, 40, sa sumunod na yugto upang hablutin ang trangka at pinanatili ang werpa sa maagang bahagi ng takbuhan.
Tinarak ni Crowley, tumersera sa 2019 World Triathlon Championships, ang malapit sa three-minute lead saka tinabig ang huling hirit ni Brandon’s para saluhan sa top honors si Azevedo sa event na nagmarka sa pagbabalik ng mga pro triathlete sa bersyon ng’Pinas IRONMAN series.
Nagsubi sina Crowley at Dubai-based Azevedo, namayagpag din sa 2019 IM 70.3 Shanghai at sa kanyang bansa na Middle Distance Triathlon National Championships noong isang taon, ng tig-$30K (P1.6M).
Tumiyempo si Iemmolo ng 4:37:25 para sa pang-apat habang si Ai Ueda ng Japan nagrehistro ng 4:43:30 sa pagpanlima sa kababaihan ng kaganapan, ang tanging endurance race may halong pro sa mga oorganisahion pa sa taong ito ng The IRONMAN Group/Sunrise Events, Inc.
Nangamotesi multi-titled Dimity-Lee Duke sa paglangoy at dehins na nakabawi tumapos na may 4:59:21 sa pagpang-anim sixth samantalang si American Amy Vantasselang pumampito sa 5:07:31.
Sinabakan ng mahigit libo buhat sa 46 na bansa, may 55 puwesto rin ang premier endurance race para sa World Championships, 30 sa age-group at 25 sa women. Aarangkada ang world tilt sa Agosto 26-27 sa Lahti Finland.
May mga kompetisyon din ditong relay all-male, relay all-female ,relay mixed events sa ibabaw ng individual sa iba’t ibang age-group divisions, at 12-man team (Tribu Maisugon) sa pagkilala sa 11 tribo ng host city na may nakatayang P550K (P500K mula sa Davao City at P50K sa Aboitiz).
Sumuporta rito ang Alveo, Petron, Lungsod ng Dabaw, Azuela Cove, Aboitiz, Aboitiz Power, Apo Agua, Davao Light, Lightwater, Prudential Guarantee, One Sport, Cignal, Philstar, Active, Gatorade, HOKA, ROKA, Vinfast, Athletic Brewing Co., Biostarks, Breitling, Fulgaz, Hyperice, Qatar Airways, Santini, Wahoo, Always Advancing, EKOI, Compressport, Outside at Sportograf. (Abante TONITE Sports)
The post Portuguese, Australian harurot sa Alveo IRONMAN 70.3 Davao first appeared on Abante Tonite.
0 Comments