Presyo ng mga pagkain sa Oriental Mindoro sumisirit – Revilla

Inatasan ni ni Senador Ramon `Bong’ Revilla Jr. ang Department of Trade and Industry (DTI) ang nakarating na sumbong sa kanya kaugnay sa sumisirit umanong presyo ng mga pagkain at iba pang bilihin sa Oriental Mindoro kasunod ng nangyaring oil spill sa karagatan nito.

Nalaman umano ng senador ang ganitong sitwasyon matapos na bumisita sa ilang bayan sa Oriental Mindoro para magbigay ng ayuda sa mga residente na apektado ng oil spill at saan nakausap niya ang mga alkalde.

Ayon kay Revilla, sinabi sa kanya ni Oriental Mindoro Governor Humerlito Dolor na sumisipa ang presyo ng mga pagkain at iba pang bilihin sa probinsya tulad ng bigas, karne, poultry at mga gulay mula nang mangyari ang oil spill dalawang linggo na ang nakaraan.

“Nakakabahala ang patuloy na pagtaas ng presyo ng pangunahing bilihin sa mga apektadong bayan sa Oriental Mindoro…Dapat kumilos na ang DTI para siguruhing walang nagsasamantala sa pangyayaring ito. Wag niyong hayaan na lalong magdusa ang mga tao sa Mindoro,” sabi ni Revilla.

Giit pa nito na bantayang mabuti ng DTI ang sitwasyon at siguruhin na hindi basta tataas ang presyo ng mga bilihin lalo na sa panahong may sakuna.

The post Presyo ng mga pagkain sa Oriental Mindoro sumisirit – Revilla first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments