Pumatok ang unang Kadiwa ng Pangulo na binuksan sa Bicol region matapos na makapagtala ng 1.2 milyong pisong napagbentahan sa loob ng dalawang araw.
Ito ang inihayag ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil matapos buksan ang Kadiwa ng Pangulo sa Pili, Camarines Sur noong March 16, 2023.
Ayon kay Garafil, dumarami ang tumatangkilik sa Kadiwa ng Pangulo program dahil mas mura ang mga nabibiling gulay at mga produktong gawang Pilipino kumpara sa regular na pamilihan.
Hindi lamang mga mamimili aniya ang nakikinabang sa Kadiwa ng Pangulo kundi pati na rin ang mga maliliit na negosyante.
“More Filipino sellers and consumers are enjoying the benefits of the Kadiwa mg Pangulo program aa the outlet launched in Pili, Camarines Sur has generate around P 1.2 million in sales,” ani Garafil.
Mahigit 500 Kadiwa outlets na ang nabuksan sa iba’t ibang lugar sa bansa na layuning madagdagan ang kita ng mga magsasaka, mangingisda at micro,small and medium enterprises (MSMEs) at direktang maibenta sa publiko ang kanilang produkto at hindi na kailangang dumaan sa mga middle man.
Nais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matulungan ang mga magsasaka at MSMEs na makabangon at makabawi sa epekto ng COVID-19 pandemic.
Sinabi ni Garafil na kasama rin sa inisyatiba ng programa ay upang makabili ng murang produkto ang publiko upang hindi mahirapan sa epekto ng mataas na inflation.
“The initiaitve aims to provide consumers with cheap basic goods amid the rising inflation in the country,” dagdag ni Garafil. (Aileen Taliping)
The post Unang Kadiwa center sa Bicol blockbuster first appeared on Abante Tonite.
0 Comments