Vhong lusot sa rape case kay Deniece

Ibinasura ng Supreme Court (SC) 3rd Division ang kasong rape at acts of lasciviousness laban sa comedian-host na si Vhong Navarro.

Binawi ng mataas na hukuman ang naunang desisyon ng Court of Appeals na inilabas noong Hulyo 2021 at Setyembre 2022.

Ito ay base sa finding ng Department of Justice (DOJ) na hindi nakagawa ng grave abuse of discretion sa junking raps na inihain ng modelong si Deniece Cornejo.

Magununitang unan nang pinagtibay ng DOJ ang una nitong pagbasura sa kasong rape at attempted rape laban sa aktor at television host.

Si Navaro ay inakusahan ng modelong si Cornejo ng 2 counts of rape na umanoy nangyari sa kanyang condominium noong Januaray 17 at 20, 2014.

Ibinasura ng DOJ ang apela ni Cornejo na baligtarin ang resolusyon ng Prosecutor General noong September 6, 2017.

Sa unang resolusyon ay hindi pinayagan ang rekomendasyon na litisin si Navarro dahil walang walang sapat na ebidensya na ebidenisya umano para litisin ang aktor sa kasong isinampa ng modelo. (Dolly B. Cabreza)

The post Vhong lusot sa rape case kay Deniece first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments