AshMatt, JulieVer nagpaandar sa Easter Sunday

Kanya-kanyang post ng kanilang pagdiriwang ang mga celeb kahapon, Easter Sunday, April 9.

Isa sa nakita namin ay ang Instagram Story ni Matteo Guidicelli kung saan ay makikitang sinimulan nila ng asawang si Sarah Geronimo ang umaga sa pamamagitang ng paggo-grocery together sa kanilang fave supermarket.

Nakatutuwa ang mag-asawa dahil makikita sa video na masaya nilang binabati ang mga staff ng ‘good morning.’
Kitang-kita rin na masayang-masaya silang namimili at nagkakatuwaan. Nagpakuha pa sila sa photo booth na animo’y ordinaryong mamimili lang.

Mapapanood din sa video na magkasamang nagpe-prepare ng lunch ang mag-asawa. Nagluto si Sarah G. at pagkatapos ay masaya silang nag-lunch kasama ang pamilya ni Matteo.

Kinilig naman ang mga fan nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz sa post ni Dianne Medina sa kanyang IG.

Makikita kasi na magkakasama sina Dianne and husband Rodjun Cruz at ang JulieVer sa pagsisimba ng Sunday morning.

“Christ is Risen! Hallelujah! Happy Easter! 🙏🏻 8:00 am Mass with my Family! Thank you Lord!” caption ni Dianne.

“Happy family…talagang bagay si Rayver kay Julie,” komento ng isang netizen.

Mukhang nasa bakasyon din ang mag-asawang Luis Manzano and Jessy Mendiola with their baby Rosie base sa mga larawang ibinahagi ng aktres.

“Happy Easter from the Manzanos!” simpleng caption ni Jessy.

Ginulat naman ni Julia Montes ang fans sa kanyang post na nasa isang skin care clinic siya dahil may pinaghahandaan daw siyang big event this Monday.

“Prepping for a very SPECIAL day tomorrow,” bahagi ng caption ni Julia.

Na-excite ang fans ng aktres at looking forward na sila sa special day na sinasabi ng kanilang idolo. Ang iba naman ay nagtanong kung ikakasal na ba siya. (Vinia Vivar)

The post AshMatt, JulieVer nagpaandar sa Easter Sunday first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments