Derrick, Elle ‘nilinlang’ ni Kristoffer

Isa na namang mapangahas at kakaibang kuwento ang mapapanood sa Magpakailanman ngayong Sabado (April 29).

Sa episode na “Mag-asawa, ginayuma,” matutunghayan ang istorya ng magdyowang Elmer (Derrick Monasterio) at Dessa (Elle Villanueva) na nilinlang ng taong akala nilang mapagkakatiwalaan na si Raul (Kristoffer Martin).

Paano nga ba sisirain ng gayuma ang masayang pagsasama nina Elmer at Dessa? Abangan ‘yan ngayong Sabado, 8:00 p.m. sa GMA-7. (Roldan Castro)

The post Derrick, Elle ‘nilinlang’ ni Kristoffer first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments