Emma emosyonal kay Nora

Naging emotional ang Asia’s Princess of Songs na si Emma Cordero nang i-confirm ni Nora Aunor ang kanyang pagdalo sa Word Class Excellence Japan Awards (WCEJA). Gaganapin ito sa New Otani Hotel ,Fukuoka,Japan sa October 30, 2023.

Nangyari ang confirmation ni ate Guy nang maging special guest siya sa online show ni Emcor sa YouTube, Official Emma Cordero channel.

Personal na igagawad sa superstar ang pinakamataaas na karangalang ibibigay ng WCEJA sa taong ito, ang Golden Honor in the Field of Motion Picture. Ito ang pang labing-isang okasyon ng WCEJA na ginaganap sa Japan at Pilipinas kada taon simula noong 2016.

Ani Ate Guy,” “Oo naman, okay ako, walang problema lalo na’t nagkakausap na tayo tungkol diyan,” sambit ng superstar kay Emcor o Emma Cordero.

Sa naganap na kuwentuhan, hindi maiwasang maluha ni Emcor dahil pinag-adya umano ng Panginoon, na sa pamamagitan ng WCEJA, ay personal niyang makakausap at makakasama ang idolo niya.

Ito ang naging daan para si Emcor ay maging isang matagumpay na singer ngayon.

Sambit ni Emma,”Nagpapasalamat ako sa Itaas at nagkaroon ako ng chance na makasama si ate Guy. Nagpapasalamat din ako kay ate Guy dahil mula pa noon ay pinangarap ko nang makasama siya at ito na nga ang binigay sa atin na opportunity ni Lord. Alam naman ng Diyos kung ano ang nasa isip at nasa puso natin.

“Kahit na noong nag-start pa lang ang WCEJA, si ate Guy na agad ang nasa isip ko noon dahil alam naman natin na ang isang Nora Aunor ay pride ng bawat Filipino,” aniya pa.

Inihambing din ni Emcor ang malasakit nila sa pamilya.

“Si ate Guy, nagsikap para makatulong sa pamilya and ganu’n din ako kaya in one way or another, halos pareho ang pinagdaanan namin.

“Sabi ng mother ko noon, ang kayamanan natin ay ang puso natin at ang pagmamahal natin sa kapwa, kaya maging positive lang lagi at maging masaya.

“Kaya talaga ako naging emotional kasi bukod sa na-nominate si ate Guy sa WCEJA, tapos ito na nga, magkakaroon pa ng katuparan ang pagpunta niya through her commitment.Through WCEJA”, pinagtagpo kami ni ate Guy,” bulalas pa ni Emcor.

Dahil mauuna ang WCEJA sa Pilipinas kesa sa Japan, inimbita rin ni Emma si ate Guy sa okasyon na gaganapin sa Heritage Hotel sa June 18.

Plano rin ni Emcor na pasukin ang film production pero tinitiyak niyang hindi niya iiwan ang recording at music world! (Obette A. Serrano)

The post Emma emosyonal kay Nora first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments