Enrique mas palaban, matapang sa Kapamilya

Certified Kapamilya pa rin ang multi-talented artist at King of the Gil na si Enrique Gil matapos niyang pumirma ng eksklusibong kontrata sa ABS-CBN noong Martes (Abril 25).

May espesyal na red carpet welcome ang binigay kay Enrique sa ABS-CBN compound kung saan sinalubong siya nina ABS-CBN president and CEO Carlo Katigbak, chairman Mark Lopez, COO of broadcast Cory Vidanes, OIC for Finance Group Vincent Paul Piedad, ABS-CBN Film Productions Inc. head Kriz Gazmen, at Dreamscape Entertainment head Deo Endrinal.

Kasunod ng red carpet ay ang contract signing event kung saan muling pinatunayan ni Enrique ang kanyang pagmamahal at pagtitiwala sa ABS-CBN. Dumalo rin sa contract signing ceremony ni Enrique ang talent manager niyang si Ranvel Rufino.

Sa pagpapatuloy ni Enrique ng kanyang career bilang Kapamilya, dapat abangan ng mga manonood ang mas palaban at mas matapang na Enrique sa pagganap niya ng mga panibagong karakter na siguradong tatatak muli sa damdamin ng mga Kapamilya.

Sa 15 taon niya sa industriya, napamahal na si Enrique sa mga Kapamilya dahil sa kanyang angking talento na naging daan para siya ay maging isa sa mga hottest leading men sa industriya. Ilan sa mga natatangi niyang proyekto ay ang mga ABS-CBN teleseryeng “Mula sa Puso,” “Princess and I,” “Muling Buksan ang Puso,” “Forevermore,” “Dolce Amore,” at “Bagani,” pati na rin ang mga pelikulang “She’s the One,” “Seven Sundays,” “My Ex and Whys,” at “Just the Way You Are.”

The post Enrique mas palaban, matapang sa Kapamilya first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments