Final na! BGC sa Taguig talaga – SC

Ibinasura ng Supreme Court ang motion for reconsideration na inihain ng Makati City na humihiling na baliktarin ang naunang hatol ng mga mahistrado noong Disyembre 1, 2021 pabor sa pag-angkin ng Taguig City sa Bonifacio Global City.

“[T]he Court resolves to deny the motion with finality, the basic issues therein raised having been duly considered and passed upon by the Court in the aforesaid decision,” nakasaad sa dalawang pahinang resolusyon na inilabas ng SC.

Ibinasura rin ng SC Special Third Division ang hirit ng Makati na iakyat ang kanilang mosyon sa SC En Banc.

Samantala, tinawag ng pamahalaang lokal ng Taguig ang pinal na desisyon ng SC na isang simula umano ng bagong kabanata para sa lungsod at sa mga mamamayan nito.

The post Final na! BGC sa Taguig talaga – SC first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments