Ivana ‘di keri ligwakin ni Jake

Malakas ang aliw factor ng TikTok video ni Jake Ejercito na na-upload sa nabanggit na platform kamakailan.

Sa nasabing video, sumalang ang actor at nakiuso sa TikTok trend na “choose your girlfriend.”

Sa naturang hamon, kailangang mamili ni Jake ng kanyang pinapantasyang ‘girlfriend’ sa mga artistang pagpipilian.

Unang pinili ni Jake si Anne Curtis over Liza Soberano na lumabas sa mga prospect.

Hindi rin natinag ang pantasya niya sa “It’s Showtime”host nang itapat ito kina Kathryn Bernardo, Lovi Poe at Yassi Pressman.

Nang makatapat na ni Anne ang sexy actress at YouTuber na si Ivana Alawi, bigla itong atras at di na nakuhang mamili.

Hindi ito agad nakasagot at tipong napaatras na animoý gustong mag-feel safe.

Marami naman ang naaliw sa naging reaksyon niya sa huling round.

Hirit tuloy ng mga netizen, tiklop daw si Jake kay Ivana dahil may pantasya rin ito sa kanyang naging co-star sa teleseryeng “A Family Affair.”

May nagsasabi namang umatras daw ito dahil nag-alalang baka giyerahin siya ni Ivana na naging leading lady niya sa nasabing TV series.

May nag-opinyon namang may pagsintang purorot ang actor sa sexy actress kaya natiyope itong sumagot.

Ito ang ilan sa mga naging komento ng kibitzers.

“Tumiklop kay Cherry Red! Hahaha!”

“Laki ng takot niya kay Cherry Red! haha Hahaha the more you hate the more you love talaga.”

“Pantasya kasi niya si Ivana tulad ni Anne.”

“Gentleman lang si Jake. Ayaw niyang maka-offend ng naging co-star. Hehe.”

“Buking si Jake. May pagsinta pa kay Ivana. Hahaha.” (Archie Liao)

The post Ivana ‘di keri ligwakin ni Jake first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments