Bumida sa Trade Fair ang mga sikat na produktong sa mga bayan ng Bataan na tuyo, tinapa at bagoong, kasabay ng pagdiriwang ng 81-taong Araw ng Kagitingan at Bataan Day.
Ang Bataan Day at Araw ng Kagitingan Trade Fair ay isang linggong pagpapakilala ng mga produktong Bataan na binuo ng Provincial Tourism Office, Department of Trade and Industry (DTI) Provincial Office at Provincial Cooperative and Enterprise Development.
Ayon kay Gov. Jose Enrique Garcia III, naging bukas para sa lahat ng mga nais magnegosyo at ipakilala ang kani-kanilang produkto para malaman ng mga dayuhan at turista kung ano ang best ng Bataan.
Makikita din sa trade fair ang mga ipinagmamalaking pagkain na minatamis na mani, cashew butter, araro cookies, bread, cakes, fruits, turmeric tea, turmeric coffee, kamote chips, vegetables, plants, flower pots at ibang personal household items na tulad ng leather bags, slippers at iba pa. (Vick Aquino)
The post Tuyo, bagoong bumida sa Trade Fair ng Bataan first appeared on Abante Tonite.
0 Comments