“Public service must be more than doing a job efficiently and honestly. It must be a complete dedication to the people and to the nation.”
> Margaret Chase Smith
Ano meron sa unang araw ng buwan para sa Department of Transportation (DOTr) ?
Noong Enero 1, 2023, alas – 9:49 am. , nakita ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang mga isyu sa Air Traffic Management Center nito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay , Metro Manila.
Dahil sa mga problema sa kuryente, na-offline ang mga radyo at radar ng center.
At ngayon Mayo 1 , ala – 1 ng madaling araw , nawalan ng suplay ng kuryente ang NAIA Terminal 3 .
Umabot sa 50 flights ang nakansela. Tinatayang nasa sa 200 to 300 pasahero bawat eroplano ang apektado .
Ang tanong ;
1. Napakalaki ng operating budget ng (Manil International Airport Authority) MIAA for maintenance.
Ang budget para sa maintenance at iba pang operating expenses ay itinaas ng 18% hanggang P5. 42 bilyon. Kasama sa mga gastusin sa pagpapatakbo ang tubig, ilaw, kuryente, pagkukumpuni at pagpapanatili, mga serbisyo ng lakas-tao, at mga serbisyong panseguridad.
Nasaan na ? Nangyari ba ito dahil pati maintennance checks and providers pinakialaman na rin ng DOTr?
2. Ang mandate ng MIAA – to ensure that the buildings and facilities are world class . Yan mismo ang nasa wording ng MIAA handbook .
Anyare ?
Noong una , humingi nang paumanhin ang DOTr . Ngayon , paumanhin na naman ?
Hindi biro ang maraming buhay na naapektuhan ng dalawang malaking insidenteng ito sa ating paliparan .
Ang nakalulungkot , ang Terminal 3 pa ang pinakabago sa ating paliparan at di dapat asahan ang ganitong mga aberya .
Sabotahe ba ito para sa posisyon ni Sec. Jaime Bautista ? O talagang may balat na kasama ang pagtatalaga sa kanya sa puwesto ?
Napakahalagang lugar ang isang paliparan . Ito ang nagsisilbing bintana o pintuan ng ating bansa . At dapat lamang na 100% ang proteksyon para rito dahil nakakahiya tayo sa buong mundo .
Mabuti at nakaalis na si Pangulong Bongbong Marcos . Asahan ang isang galit na pangulo sa kanyang pagbalik sa bansa .
Bukod sa nangyaring aberya , sasalubong pa kay PBBM ang kakulangan sa lisensiya at mga plaka .
Walang Personalan.
The post DOTr hihingi uli ng paumanhin sa kapalpakan first appeared on Abante Tonite.
0 Comments