Emil sunod sa yapak ni Mike Enriquez; katapat ni Raffy Tulfo

Magkakaroon na ng bagong takbuhan ang publiko! Simula kasi May 7, mapapanood na ang multi-platform public service program ng GMA Public Affairs na “Resibo: Walang Lusot ang may Atraso” hosted by veteran broadcast journalist Emil Sumangil.

Bilang “Mr. Exclusive,” abangan si Emil sa pagtahak ng katotohanan, pagsama sa mga imbestigasyon at operasyon, at sa pagtulong sa paglutas ng iba’t ibang isyu. Talagang walang lusot ang mga gumagawa ng kalokohan dahil sa title pa lang ng show, magiging basehan ng aksyon ang mga “resibo” na makakalap ng programa.

Tinanong si Emil kung ano reaksyon niya na siya raw ang susunod sa yapak ni Mike Enriquez.

“Sa aking paniniwala , hindi ko po kayang pantayan , hindi ko rin kayang higitan. Binigyan po ako ng plataporma ng ating opisina ng GMA netwotrk para ipakita ko kung ano ang aking kakayahan. Dito ko pagsusumikapan na ibigay ang aking nalalaman upang makatulong sa ating bayan,” pakli niya.

“Siya po ang tinitingala ko pagdating sa propesyon na ito,” dugtong pa ni Emil.

Paano kung itapat siya kay Raffy Tulfo dahil sa ‘Resibo’?

“With all your respect hindi ko po kayang magsalita sa ngalan ng ibang programa, dito lang po tayo sa ‘Resibo’. Gagawin po namin ang lahat para matugunan ang hinaing ng ating mga kababayan na meron pong resolusyon.’Yun lang po,” tugon niya.

Payag ba siya sa rivalry?

“ Gagawin ko lamang po ang aking makakaya kung ano iatas sa akin ng opisina ‘yun ang dapat kong gawin para sa programa ko,” pahayag ni Emil.

Bukod sa GMA at GTV, simulcast din every Sunday, 5 PM ang “Resibo: Walang Lusot ang may Atraso” sa Super Radyo DZBB at may livestream sa GMA Public Affairs’

META: Inurirat si Emil Sumangil kung siya na ba ang makakatapat ni Raffy Tulfo dahil sa ‘Resibo’. Nag-react din siya na susunod sa yapak ni Mike Enriquez.

The post Emil sunod sa yapak ni Mike Enriquez; katapat ni Raffy Tulfo first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments