Ian Sangalang dahan-dahang ibabalik dating bangis sa laro

Mga laro Linggo: (Ynares-Pasig)
5:00pm – Magnolia vs Blackwater
7:30 pm – Meralco vs Phoenix

UNTI-UNTI nang nakakabalik sa porma si Ian Sangalang, pero hindi pa sasalang ang kaliweteng center sa first game ng Magnolia sa PBA On Tour.

Toka ng Hotshots ang Blackwater sa first game mamaya sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Matagal-tagal ding nagarahe si Sangalang dahil sa thyroid illness.

“Nakakasama na siya sa amin, gradual practice na siya,” balita ni coach Chito Victolero. “Then next week, sama na siya sa 5-on-5, kasama na siya sa full contact. Siguro after five, six games makakasama na namin siya sa actual games.”

Pagbalik ni 6-foot-7 Sangalang, solido na muli ang frontcourt ng Magnolia kasama sina Rafi Reavis, James Laput, Russel Escoto, Jackson Corpuz, Calvin Abueva at new acquisitions Abu Tratter at David Murrell.

Hindi pa lang din makakalaro sina Abueva (sore quads), Escoto (ankle sprain) at Jio Jalalon (hyperextended knee) laban sa Bossing na galing sa 93-88 win kontra NLEX.

(Vladi Eduarte)

The post Ian Sangalang dahan-dahang ibabalik dating bangis sa laro first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments