Sean bet singitan si Carlo kay Charles

Inamin ng magaling at award-winning actor na si Sean de Guzman na pantasya niyang makatrabaho ang kapuwa premyadong si Charlie Dizon.

“Napanood ko po kasi ang “Fan Girl” at ibang series niya. Sobrang nakakabilib lang iyong ginawa niya,”aniya.

Keber naman siya kung magselos ang rumored boyfriend ni Charlie na si Carlo Aquino.

Feeling kasi niya ay macha-challenge siya sa intensity ni Charlie bilang actress.

Sey pa niya, pagkatapos maging best actor sa ‘Fall Guy,’ gusto raw naman niyang i-try ang ibang genre tulad ng romance, comedy, action, horror, atbpa.

“Gusto ko pong mag-superhero.Gusto ko ring mag-horror.Gusto ko rin pong mag-comedy.Actually, mahirap siya. Mahirap mag-comedy, di ba? Akala natin madali lang magpatawa pero iyong ibang tao kasi ang hirap i-please.Iyon iyong challenge sa akin na kailangang maging effective as a comedian,”bulalas niya.

Hirit pa niya, gusto rin daw niyang makatrabaho si Coco Martin na isa sa kanyang mga idolo.

“Isa po siya sa mga iniidolo ko rito sa industrya.Sana po magkatrabaho kami ni Sir Coco dahil idolo ko po siya,” ani Sean.

Pagkatapos na manalo ng dalawang international best actor awards para sa pelikulang “Fall Guy”sa CHITHIRAM International Film Festival sa India at Anatalian Film Awards sa Turkey, naging motivation daw ang natanggap na mga parangal para pagbutihin pa niya ang kanyang craft.

“Para sa akin,inspirasyon po siya para pagbutihin pa ang aking trabaho,” aniya.”Minsan lang po nakakatakot din na parang …nage-expect sa iyo iyong mga tao kung ano pa ang kaya mong ipakita.Pero ako naman po, ibinibigay ko ang 100 percent ko sa lahat ng ginagawa ko para ma-meet ko po ang expectations sa akin,”pagtatapos niya.

Streaming na sa Vivamax ang pelikulang pelikulang ‘Fall Guy’.Ginagampanan ni Sean ang papel ng isang caretaker na napagbintangan sa kasalanang hindi niya ginawa.

Mula sa produksyon ng 3:16 Media Network ni Len Carrillo at sa direksyon ni Joel Lamangan, Tampok din sa cast sina Cloe Barretto, Vance Larena, Shamaine Buencamino, Marco Gomez, Glydel Mercado, Tina Paner, Quinn Carrillo, Mark Cardona, Tiffany Grey, Hershie de Leon, Jim Pebanco at iba pa. (Archie Liao)

The post Sean bet singitan si Carlo kay Charles first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments