Julia game sa sex

Masaya ang sex nymphet na si Julia Victoria na nabigyan siya ng biggest break bilang bida sa pelikulang “Kabayo”.

Ani Julia, most challenging role raw niya ang papel niya bilang isang liberated woman sa nasabing obra ni Direk Giancarlo Morciano.

Hirit pa niya, bilang paghahanda raw sa kanyang role, nag-aral daw siya sa pagsakay sa kabayo.

Dagdag pa niya, hindi raw naman siya nahirapan sa pangangabayo dahil naging mabait ang sinakyan niyang horse habang nagso-shoot sila.

Gumanap din siya bilang isang babaeng very liberated sa sex, kailangan din niyang i-explore ang iba’t-ibang bagay para mapaligaya ang sarili.

“Iyong karakter ko kasi rito, gusto niya ng thrill sa pakikipag-sex sa kanyang partner. Kayod marino iyong partner ko sa trabaho pero pagdating ng bahay, iba na ang kinakabayo niya. Pinagtatrabaho ko siya sa kama para ma-satisfy ako,” kuwento niya.

Aniya, hindi raw naman siya nagkaroon ng hesitation sa paghuhubad.

“Wala naman po akong limitation pagdating sa pagpapa-sexy. Ako naman gagawin ko ang lahat para mapaganda ang pelikula at para maging realistic po iyong mga eksena. Okey lang din po sa akin ang maghubad dahil kailangan naman po siya sa scenes basta may plaster po,” deklara niya.

Sa “Kabayo” ay may mga nakakaelyang eksena si Julia tulad ng sex scenes sa kotse with Paolo Rivero ,threesome with her partner Rico Barrera at Apple Castro . Meron ding orgy kasama sina Angelo Ilagan at Rico.

Sa tunay na buhay daw ay hindi pa niya na-try ang threesome pero bukas naman ang kanyang kaisipan sa ganitong trip na ginagawa ng mga taong sumusuong sa ganitong klaseng sexcapades.

Streaming na sa Vivamax simula sa Mayo 26. Ang ‘Kabayo ay mula sa produksyon ng LDG Productions ni Lito de Guzman at ng Kabayo Films ni Manuel Veloso. (Archie Liao)

The post Julia game sa sex first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments