Nickelodeon star Eduard  ipaglalaban ang ermat

Kung magpoprodyus ng pelikula ang dating Net 25 newscaster, Star Magic artist at Nickelodeon star na si Eduard Banez bet niya ay tungkol sa isang ina.

Saludo siya sa sakripisyo at pag-aaruga ng isang mother, lalo na sa mga ermat na OFW sa buong mundo.

Nakaka-relate siya sa pagsisikap ng mga ina at hindi mapapantayang pagmamahal. Gagawin nila ang lahat para mabigyan ng magandang future ang kanilang mga anak.

Ayon sa Nickelodeon star, sa kanyang pamamalagi sa Tate nakakausap niya ang ilang Pinay na OFW roon na may iba’t ibang makabagbag-damdaming istorya patungkol sa kanilang mga anak at pamilya na hindi pa naisasapelikula. Maganda raw itong materyales para magsilbing inspirasyon sa ating mga kababayan.

Nakikiisa si Eduard na dapat bigyan ng recognition ang lahat ng ina sa lahat ng paghihirap at pagtitiyaga para lamang maitaguyod ang magandang buhay ng kanilang pamilya.

Nu’ng Mother’s Day nilaan niya talaga ang kanyang panahon sa kanyang ermat. Isa ito sa talagang pinapahalagahan niya habang siya ay nabubuhay. Aniya, “I gave my mom chocolates and gift cards, and dinner with my dad in a restaurant.”

Anumang pagkakataon ipaglalaban niya ang kanyang ina.

Sey nga niya sa lahat ng anak bigyan ng oras at laging sasabihin ang I love you sa kanilang mga magulang (lalo na sa ermat) habang nabubuhay pa. Ipadama ang pagmamahal at atensyon sa kanila bago mahuli ang lahat.

Anyway. Hindi natigil ang showbiz career ni Eduard kahit nasa US siya.

Naka-work na niya ang ilang international singers doon tulad nina Justin Bieber at Ed Sheeran at J sa ginawang music video ng mga ito bilang backup character. Nakasama rin siya sa pagbuo ng music video ni Sia para sa “Chandelier”.

Bukod dito, naging Nickelodeon star siya. (Roldan castro)

See related story:

Eduard balik-showbiz sa Pinas

The post Nickelodeon star Eduard  ipaglalaban ang ermat first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments