Ka-LQ mister: Esmi lumaklak ng gin saka nagbigti

UMINOM muna ng isang boteng gin bago nagpakamatay ang isang misis dahil sa problema sa pamilya at makaaway ang asawa sa Bani, Pangasinan, nitong Lunes.

Ayon sa report ng Police Regional Office 1 (PRO1), gabi ng Lunes nang mag-suicide ang 35-anyos na ginang.

Sa imbestigasyon ng Bani Police Station (BPS), nagtalo pa ang biktima at ng mister nito at nagbanta umano ang ginang na magpapakamatay ito.

Bago ang insidente, nakita ng ilang kamag-anak ng biktima na siya ay umiinom ng gin sa loob ng kanyang bahay. Bandang alas-10:03 ng gabi, nagulat na lang sila nang makita ang biktima na nakabitin sa kanyang kuwarto gamit ang nylon cord na itinali sa bubungan ng bahay.

Agad na isinugod ang misis sa ospital ngunit siya ay dead-on-arrival na. (Allan Bergonia)

The post Ka-LQ mister: Esmi lumaklak ng gin saka nagbigti first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments