Ginunita ng Simbahan ang Pista ni Sta. Rita de Casia (Mayo 22) Nangunguna siya sa listahan ng mga may pinakamaraming deboto dahil sa ‘di mabilang na pabor na tinatanggap.
Si Sta. Rita ang ‘Saint of the Impossible’ ng Simbahan, tanyag dahil sa ipinamalas na napakalalım na kumpiyansa sa Diyos sa gitna ng mga pagsubok sa kanyang buhay.
Sa murang edad isinuko na ni Rita ang sarili sa Diyos at hinangad na pumasok sa kumbento bilang madre. Gayunman, bilang pagsunod sa kagustuhan ng kanyang mga magulang nakasal siya at nagkaroon ng dalawang anak. Labingwalong taon silang nagsama ng kenyang asawa bago ito namatay ng mga kaaway.
Nais ipaghiganti ng kanyang mga ana ang maagang kamatayan ng kanilang ama kaya’t ipinağdaşal ni Santa Rita na huwang nilang maisagawa ang masamang tangkang iyon. ‘Di kalalunan kapta nasawi sa epidemya ang kanyng mga anak kaya’t nagkaroon ng pansamantalang kapayapaan sa pagitan ng dalawang magkatunggaling pamilya.
Nang ma-biyuda, pinagdasal ni Santa Rita ang matagal na niyang kagustuhang pumasok sa buhay relihiyosa. Sa tulong ng pagnonobena kay San Juan Bautista, San Agustin at Nicolas Tolentino sa edad na 36, tinanggap siya sa kumbento ni Sta. Maria Magdalena sa Cascia nono 1413 matapos tupdin ang atas ng superiora na pagkasunduin muna ang kanyang pamilya.
Ipinagkaloob naman ng Diyos ang kahiligian- nagkaroon ng kapayapaan mga nag-iiringang kampo sa pamamagitan ni Rita kaya’t kinikilala siya ngayong ‘Dakilang Tagapamayapa’ at ‘Specialist on Marital Difficulties’. Patunay ang kanyang buhay sa bisa ng araw-araw ng pagsisimba at taimtim na pagdarasal at pagsusumamo sa Diyos sa tulong ng mga Santo!
Sa wakas namuhay nang payapa at buong tapat ang ulirang balo sa kumbento na matagal na niyang pinapangarap. Sa rurok ng kabanalan, ipinagkaloob sa kanya ang isang ‘stigmata’ o sugat sa noo katulad kay HesuKristo matapos hilingin sa Diyos na ipahintulot na makaisa ang Panginoon sa Kanyang pagpapakasakit.
Makalipas ng maraming taong pagsisilbi bilang monghang Agustinian, nagkasakit si Santa Rita at pumanaw ngayong araw noong Mayo 22, 1447 sa edad na 80. Taong 1900 nang itinanghal siyang Pintakasi ng Simbahan ni Pope Leo XIII at binansagang ‘Patron ng mga Desesperado’.
Nawa katulad ng ehemplo ni Santa Rita de Casia, ipamalas rin natin ang malalim na kumpiyansa sa kabutihan ng Maykapal sa gitna ng mga pagsubok sa buhay at marapatin nating kumapit sa Diyos sa mga pawang imposibleng sitwasyon sa buhay.
Santa Rita de Casia, Ipanalngin Mo kami!
The post Pintakasi ng mga Desesperado first appeared on Abante Tonite.
0 Comments