Luis dusa na di matabihan sina Jessy, Baby Peanut

Sa kanyang Instagram account, hindi mapigilang malungkot ni Luis Manzano dahil sa pangugulila niya sa kanyang mag-inang Jessy Mendiola at Baby Rosie.

Sa kanyang post, mararamdaman mo ang kanyang pagka-miss o gigil kay Jessie at sa kanilang baby.

May kaakibat na testing kit ang kanyang post kung saan nag-positive ito sa Covid-19.

Kasama rin dito ang litrato ng kanyang mag-ina.

May caption itong:”hardest part of being sick”.

Dahil nga nakuha niya ang coronavirus, kailangang i-isolate niya ang sarili sa kanyang mag-ina para hindi mahawahan ang mga ito.

Hirit ng netizens, ang post daw ng aktor spoke volumes.

Ramdam daw ang separation anxiety nito sa kanyang mag-ina.

Marami namang follower ang nakisimpatiya sa TV host dahil sa ginagawa nitong hakbang para maprotektahan ang kanyang pamilya.

May mga netizen na humanga rin sa pag-iral ng kanyang pusong ama.

Marami ring well-wishers ang nagdasal na sana raw ay gumaling na ang aktor para makapiling na nito sina Jessy at Baby Rosie.

(Archie Liao)

The post Luis dusa na di matabihan sina Jessy, Baby Peanut first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments