Ni Nancy Carvajal
Pinag-aaralan na ngayon ng National Bureau of Investigation ang sampung kaso ng pagpatay at 17 frustrated murder laban sa suspendidong si 3rd District Negros Oriental Representative Arnolfo Teves, Marvin Miranda na dati nitong bodyguard at sa sampung nakakulong na gunmen sa nangyaring massacre noong March 4, ayon sa isang insider.
Bukod sa nasabing dalawang mga kaso, inipon na rin ng NBI ang nakalap nilang mga ebidensya laban kay Teves para sa paglabag sa Anti-terror Act.
Sina Teves at Miranda ay inginuso ng mga dating armadong militar bilang utak sa masaker na humantong sa pagkamatay ni provincial governor Ruel Degamo at siyam na iba pa.
“The investigators are now consolidating the statements of the gunmen plus other evidence that directly linked Teves and Miranda to the assassination of Degamo that resulted to a massacre,” sambit ng source.
“Contrary to the claim of Teves camp that he was not involved in the massacre, all the evidence pointed to them,” dugtong pa nito.
Dagdag pa ng source, pinangakuan ang mga gunmen ng P30 milyon plus P20 million success bonus para sa masaker.
Base sa nag-viral na footage ng closed-circuit television (CCTV) sa naganap na krimen, kita dito ang ilang minutong naganap na pamamaril sa loob ng tirahan ni Degamo habang siya ay namamahagi ng tulong sa mga benepisyaryo ng conditional cash transfer program.
Si Teves na nasa labas ng bansa sa kabila ng mga panawagang umuwi at lumutang na para harapin ang mga kinasasangkutang kaso ay nanindigang inosente ito sa nangyaring masaker.
The post Teves ibabaon sa Demago murder first appeared on Abante Tonite.
0 Comments