Most wanted na bagets sa Navotas, nakalawit

Sa edad na 19-anyos, Number 4 most wanted criminal na ng Northern Police District (NPD) ang isang teenager na nadakip sa manhunt operation sa Navotas City, kamakalawa.

Si John Rey Soledad, ng Barangay NBBS, Navotas ay wanted sa mga kasong Statutory Rape (Revised Penal Code as Amended by R.A. 11648) at Violation of Section 5 (i) ng R.A. 9262, kaya nababaan siya ng arrest warrant sa sala ni Hon. Cecilia B. Parallag, Presiding Judge ng Family Coirt Branch 09, Navotas City Regional Trial Court.

Walang bail na inerekomenda ang korte para sa kanyang pansamantalang paglaya.

Sa report ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Navotas Police, may nag-tip sa mga parak na nakita umano sa kanilang lugar ang suspek.

Agad namang pinuntahan ang kinaroroonan ni Soledad na nagresulta sa kanyang pagkakadakip.

Bukod sa No. 4 most wanted sa NPD, No. 3 most wanted criminal din ang binatilyo sa Navotas Police. (Orly Barcala)

The post Most wanted na bagets sa Navotas, nakalawit first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments