Umampon sa natsuging sanggol kalaboso

Isang guardian ang kinasuhan nang akuin nito ang responsibilidad sa pangangalaga sa isang babaeng sanggol ngunit pinabayaan din nito na nagresulta sa pagkamatay ng alaga sa Imus City Cavite, Lunes ng madaling araw.

Kasong paglabag sa Sec 6, Paragraph 3 at 4 ng RA 7619 (Negligence) ang kinakaharap ni alyas `Ellaine,’ guardian ng biktima dahil sa kapabayaan sa pag-aaruga sa inampong baby sa Green State Subd., Brgy Malagasang 1F, Imus City, Cavite.

Sa ulat ni PSSgt Anthony Macario, ng Imus City Police, ala-1:30 Lunes ng madaling araw nang isugod ang biktima sa Ospital ng Imus subalit hindi na ito umabot ng buhay.

Nabatid na kinuha ng guardian/suspek ang bata sa kulungan pagkapanganak ng ina nito na nakakulong dahil sa paglabag sa RA 9165.

Ayon kay PLtCol. Michael Batoctoy, hepe ng Imus City Police, namatay ang bata dahil sa kapabayaan.

“Hindi rin niya (Guardian) inaalagaan ang bata. Kung makikita mo, sobrang malnourish at payat na payat” ayon kay Batoctoy.

Nabatid din na ang sugat sa ari ng biktima ay dahil umano sa kanyang mga diaper na halos hindi na napapalitan. (Gene Adsuara)

The post Umampon sa natsuging sanggol kalaboso first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments