Teves 2 bebot karay sa timor leste

Ni Nancy Carvajal

Sinamahan ng dalawa niyang staff na babae ang suspendidong si 3rd District Representative Arnolfo Teves Jr. na humarap sa diplomatic office sa Timor Leste upang mapadali ang hirit nitong asylum, ayon sa isang source.

Sa larawang nakuha ng Politiko_Ph, ang babaeng personal assistant ni Teves at isa pang babae ang kasama niya nang mag-apply ito ng aplikasyon.

“Cong Teves appealed the disapproval of his asylum and is still in Timor Leste as of today, Thursday,’’ sinabi ng source sa Politiko_ph.

Kaugnay nito’y inilagay na sa ‘blue notice’ ng International Police Organization si Teves, ayon kay Justice Secretary Crispin Remulla.

Sa abiso ng Interpol Blue, ang mga lokal na awtoridad sa kinauukulang bansa ay inatasang mangolekta ng karagdagang impormasyon tungkol sa pagkakakilanlan, lokasyon o aktibidad ng isang taong dawit

sa criminal investigation.

Si Teves ay inginusong mastermind sa Negros Oriental massacre noong Marso 4 na ikinasawi ni incumbent governor Roel Degamo at walong iba pa.

The post Teves 2 bebot karay sa timor leste first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments