1 pang bangkay sa lumubog na bangka narekober

Nakakuha pa ng isang bangkay habang pito pa ang nawawala sa FB Genesis 2 matapos na lumubog sa Baganga, Davao Oriental noong Huwebes.

Sa tinanggap na update report ng Philippine Coast Guard (PCG), alas-7:30 ng umaga mula sa PCG Station Davao Oriental, ang bangkay ay positibong kinilala na isa sa nawawalang tripulante ng FB Genesis 2.

Ang bangkay ay nakita ng tripulante ng L/B Obet 3.

Una nang nasagip ng PCG BRP Tubbataha (MRRV-4401), ang 14 tripulante at isang nasawi na tripulante.

Patuloy naman ang PCG sa kanilang search and rescue operation para hanapin ang pito pang nawawalang tripulante

Nalaman kay Allan Donaire, kapitan ng FB, naka -encounter sila ng pagbabago ng kondisyon ng karagatan dahilan para lumubog ang kalahati ng kanilang FB ala-una ng madaling araw. (Juliet de Loza-Cudia/Catherine Reyes)

The post 1 pang bangkay sa lumubog na bangka narekober first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments