Pambu-bully at paghihiganti. Ito ang pinag-uusapang kuwento sa pagbabalik-telebisyon ni Angelica Jones sa 5th anniversary presentation ng GMA 7’s “Tadhana: Reunion” ngayong Sabado.
Sa eksenang nabanggit, marami ang nagsabing relate na relate sa kanyang acting si Angelica.
Wala na raw dapat iarte ang aktres kasi parang siya na sa totoong buhay ang gumaganap .Kuhang -kuha niya sa screen registration ang sakit na dinadala niya sa kanyang dibdib.
Nakaranas din kasi ng pambu-bully nu’ng estudyante si Angie at na-experience din niyang iwanan siya ng mga taong akala nya kakampi sa mundo ng politika.
Ano-ano ang natutunan niya sa kanyang character sa ‘Tadhana?’
“Naiiyak na naman ako tuloy. Nag-flashback po kasi sa akin yong sinasabunutan ako nang nakatalikod, pag pumapasok po ako ng CR na may vandalism. Pero sa na experience kung pambu-bully hindi ako nagsumbong sa amin. Hinayaan ko na lang, much better sa isip ko para hindi na lumaki gulo, sinarili ko na lang. Andiyang nawawala gamit ko, may parang sabotage na nangyayari sa akin sa school na ang ginawa ko na lang ay sinasarili ko ang problema. Nag-concentrate na lang ako sa studies ko, sabi ko sa sarili ko, gagalingan ko na lang ang aking pag-aaral. I know God is always with me. God will protect me. I know, hindi ako pababayan ni God. Yong teacher na lang napagsasabihan ko ng problema. Basta I keep on praying and talking to God,” aniya.
Pero in real life, never niyang isinagawa ang paghihiganti . Pinapaubaya na lang niya kay Lord ang lahat
Hindi na binanggit ni Ms Flawless ang pangalan ng classmate na nam-bully sa kanya instead, sinagip niya sa pambu-bully ang isa niyang pinagmalasakitang kaklase> Walang gustong makipagkaibigan kaya one time siya na ang lumapit dito at kumaibigan.
“Parang may problema mentally ‘yung tao, pinagtatawanan, inaaway. Ginawa ko po nilapitan ko siya, Nag-offer ako ng parang bodyguard n’ya na pinangtanggol ko siya, comforted .Tinulungan ko siya emotionally and mentally until she regained her self-confidence.
“Natututo na rin kaming maging palaban pero hindi nakikipag-away physically kundi pinagbuti namin ang aming pag-aaral at pinakita namin sa aming mga classmate na mabuti kaming tao .Nakapag-focus na rin kami sa aming pag-aaral. Hindi na namin iniintindi ‘yung mga nambu-bully sa amin…
“Gusto naming i-prove na may mararating kami like noong nanalo ako ng first sa declamation, nag-champion. Siguro lahat ng pain, doon ko nailabas so, hindi ko po alam na na-feel pala nila lahat yon.
“ Yong pambu-bully sa akin hindi ko na po ipinarating sa magulang ko. Sinasarili ko na lang at I always talked to God, dun ako umiiyak, dun ako nagsasabi ng lahat at ayoko na magdagdagan ang problema ng Nanay ko, and I know naman na masu-solve ko ang problem ko kasi I’ve been always with God,” pagkukuwento ni Angelica.
Bakit hindi naghiganti si Angelica tulad ng role ni Elle sa ‘Tadhana?’
“ Never akong gumanti at lalo akong di susuko. ‘Yan ang pagkakilala ko sa sarili ko, dikta ng isip at puso ko. I am blessed. God is with me, so nothing and no one can destroy me,” makahulugang sagot ni Angie.
Pero sa kanyang role na tumulong sa isang biktima ng bullying sabi ni Angie,” Sobra ang pambubuly ni Diane dito kay Rebecca kaya naman nakakalungkot at ang daming nagreact. Like ang isa nagsabing, “Pag ako, hindi ako papabully; lalaban ako from Zamboanga “ at may isa naman ay nagsabing “ Yong nambu-bubby hindi nagiging successful. “Totoo po yan, yong mga nambubully, mga nang-aapi hindi talaga nagiging successful. Kaya yong mga parang Diane dyan, sasabihin ko kay Dianne yong pambubully mo ay hindi ka ba natatakot sa Diyos? Na ang bginagawa mo ay pwedeng bumalik sayo? Hindi ka ba natatakot na karmahin. Huwag kang gumawa ng masama sa ating kapwa. Siguro the best think kay Diane, mag-isip na rin siya at magkaroon ng takot sa Diyos , may takot sa magulang, may respeto sa pamilya, may respetosa kapwa. So, kailangan natin tulungan si Dianne kung paano ang rumespeto sa lahat, mayaman ka man o mahirap, may position ka man o wala. Na mananaig pa rin sa pagkatao ni Diane ang kabutihan,” pagtatapat ni Angie.
Sabi ni Angie, hindi dapat makaligtaan ng tao ang FINALE episode ng Reunion. Dahil hindi lang motivating ang estorya, malaking tulong din ito how to cope up on bullying plus how to regain self-esteem ng mga biktima. Abangan ang natatanging pagganap nina Elle Villanueva, Faye Lorenzo, Richard Quan, Jenny Miller, Jay Arcilla, Tanya Gomez, Jon Lucas, Dior Veneracion, at Therese Tiangco at siya.
As for Angie, aminadong relate na relate siya sa Tadhana but she insists, no one will remain as a victim kapag mas relate kay Lord. At alam niya yan kasi nararamdaman daw niya ang magandang kapalit ng mga bagyong dumaan sa kanyang buhay.
“ Sa decision making bata pa lang ako sa career, business , may katulong ako pero on personal life ko , sinosolo ko na lang and I talked to God, ganun ako, si Lord lang ang hinihingan ko ng tulong pero pagdating naman sa career at sa business I always asked my mom pero pagdating sa personal o lovelife sinolo ko talaga e gusto ko kasi may private life ako o may privacy pero noong bata pa ako, high school and college, nung wala pa akong anak yon, inamin ko ang Mommy ko talagang nakikialam sa aking decision sa lovelife. Sasabihin nya nun kung sino ang gusto nya o hindi pero at the end sasabihin naman ng Mama ko na kung sino ang magpapasaya sa akin doon ako.
“Sa ngayon, ‘yung mga decision ko laging si Lord ang kinu-consult ko, kumakausap ng mga trusted friends na mabibigyan ako ng magandang advice.
“ Kapag nakakaranas po ako ng pang-aapi sinasabi ng isip ko na ako ay lumaban, gusto ko gumanti pero kapag nagdadasal ako, I read na sa Bible na nakalagay droon huwag kang gaganti hayaan mo, hayaan mo akong ang gumanti para sayo, hayaan natin na si Lord ang bahala dun. Aamin ko sa bawat luha, bawat sakit laging may surprise reward sa akin si Lord, that’s why I’m so blessed kasi God knows kung ano ang mga pinagadaanan ko, pain and failure. Nagiging emotional na naman ako pero basta I surrender it to the Lord. I trust the Lord lahat ng decision ko para may peace of mind ako,” deklara ng aktres.
Out of Tadhana, Angie is now preparing herself to continue her studies. Mag-aaral siya ng personality development sa Ateneo de Manila while pursuing her other business ideas.
Malaking pasalamat niya na nakabalik na siya sa mundong gusto n’ya. (Obette A. Serrano)
The post Angelica inapi ng kaklase first appeared on Abante Tonite.
0 Comments