Ipinagdiwang nina Jessy Mendiola at Luis Manzano ang kanilang ika-5 anibersaryo ng kasal.
Sa social media, ibinuhos ni Jessy ang kanyang damdamin sa isang sweet at makabagbag-damdaming mensahe para sa asawa.
Kalakip ng kanyang post ang mga litrato ni Luis at ng kanilang anak na si Isabella Rose o mas kilala bilang Peanut. Kitang-kita ang saya at buong pamilyang larawan na agad umani ng papuri mula sa mga netizen.
Diretsahang inamin ni Jessy kung gaano siya nagpapasalamat sa Diyos sa paggabay sa kanya sa pagdedesisyon na pakasalan si Luis. “Happy 5th wedding anniversary, my love. I thank God every day for guiding me to make the right choice. Out of all the wrongs I have done, marrying you is one of the few right decisions in my life, perhaps the best one,” ani ng aktres.
“He has blessed me with someone like you. I love you with all my heart. 1 Corinthians 13:4-7 ,” pa Bible verse pa ni Jessy.
Isang patunay na matatag ang pundasyon ng kanilang pagsasama at nakasentro sa pananampalataya.
Hindi rin nagpahuli si Luis at agad sumagot ng maikling pero punong-punong pagmamahal na mensahe:
“Love you Happy anniv ,” mensahe ni Luis.
May pa throwback message pa si Luis sa kanyang Instagram:
“Nagsimula sa isang shot to almost a decade, and many more years of love and forever with Peanut Happy Anniversary Wowow, minsan isang shot lang kelangan papuntang forever,” caption niya.
“Yung shot na tinatapon sa fake na halaman,” komento naman ni Jessy na may emoji na tumatawa.
Matatandaang ikinasal ang dalawa sa isang civil ceremony sa Batangas noong Pebrero 2021 at isinilang ang kanilang unang anak na si Isabella Rose noong Disyembre 2022.
Umani ng dagsang pagbati ang kanilang post mula sa fans at kapwa celebrities. Kabilang sa mga bumati ang Megastar na si Sharon Cuneta na nagsabing,
“Happy Anniversary my babies! Mommy loves you!”
Maging sina Patty Yap at Melai Cantiveros-Francisco ay nagpaabot din ng pagbati. Patunay na hanggang ngayon, certified power couple pa rin ang tambalang Jessy at Luis. (Allan Sancon)
The post Jessy Mendiola emosyonal sa anibersaryo kay Luis first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments