Senador nangamote sa debate kay ex-cabinet secretary

Sino raw itong miyembro ng Senado na kinain ng buhay nang makadebate nito ang isang miyembro ng gabinete ni dating pangulong Rodrigo Duterte?

Nakita ni Mang Teban ang video kung saan nilampaso ng dating cabinet secretary ang isang senador sa isyu ng Masagana 99 program ng administrasyon ni dating pangulong Ferdinand E. Marcos Sr.

Sabi kasi ng mambabatas, matagumpay ang nasabing programa noong panahong iyon pero sinupalpal siya ng dating cabinet secretary nang isiwalat na tinatayang 800 rural bank ang naging bangkarote dahil hindi nabayaran sa ginamit na loan sa programa.

Laglag baba este laglag panga raw ang senador pero kahit nasupalpal na, ayaw pa rin tumanggap ng pagkatalo nang kumambiyo na maaaring hindi nga naging matagumpay sa banking sector ang Masagana 99 pero umunlad naman ang export ng Pilipinas.

Muli siyang kinontra ng opisyal, na parang si LeBron James na nanupalpal ng layup sa NBA Finals, nang sabihin na hindi kailan man nag-export ng bigas ang administrasyon ni dating pangulong Marcos Sr.

Hindi na maipinta ang mukha ng senador noong oras na iyon, halos lumubog ang lahat ng botox dahil sa pagpapahiya sa kanya ng opisyal ni Digong habang ang ibang mambabatas na nanonood sa Zoom meeting ay napapangiti lamang at parang sinasabi sa isip na “pahiya ka ano!”

Clue: Ang senador na nangamote sa debate sa dating cabinet member ay palaging nakalabas ang ngipin kapag nagsasalita at may pangalan na ang kahulugan ay “ako.”

The post Senador nangamote sa debate kay ex-cabinet secretary first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments