2 totoy tinarakan ng kalaban sa riot

Sugatan ang dalawang totoy matapos ang mga itong saksakin ng isa ring menor-de-edad kahapon ng madaling araw sa may Madrid St. corner Barcelona, Brgy 73, Tondo, Maynila.

Nakaratay ngayon sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center ang di na pinangalanang mga totoy, kapwa taga-Tondo, Maynila.

Nakatakas naman ang Children Conflict with Law (CICL) na 16-anyos na binatilyo.

Sa imbestigasyon, naganap ang insidente alas-12:45 ng madaling araw sa nabanggit na lugar.

Nabatid na kumakain ang mga biktima sa harap ng 7-Eleven nang dumating ang bagets na suspek at unang sinaksak sa hita ang isa niyang biktima. Nakatakbo naman ang isa pang biktima pero hinabol ng suspek at nasaksak din sa likuran.

Nag-ugat ang pananaksak dahil sa alitan at dati nang naging magkalaban sa riot ang mga biktima at suspek.

Patuloy na pinaghahanap ng mga pulis ang salarin. (Juliet de Loza-Cudia)

The post 2 totoy tinarakan ng kalaban sa riot first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments