Inilabas ng pamahalaang lokal ng Quezon City ang traffic rerouting plan para sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong araw.
Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta dahil sa inaasahang mabigat na daloy ng trapiko sa Commonwealth Ave. at sa paligid ng Batasang Pambansa Complex.
Mula sa Quezon Memorial Circle papuntang Fairview, maaaring gamitin ng mga motorista ang North avenue pakanan sa Mindanao avenue at kanan uli sa Sauyo Road o kaya ay sa Quirino highway hanggang Commonwealth Ave. patungo sa kanilang destinasyon.
Maaari namang dumaan ang mga motorist na galing Fairview papuntang QC Memorial Circle sa Sauyo Road o Quirino Highway, kaliwa ng Mindanao Ave, kaliwa uli sa North Ave hanggang sa destinasyon nila.
Para sa light vehicles papuntang Fairview via Marikina mula sa QC Circle, maaari silang kumanan sa Maharlika St., kaliwa ng Mayaman, kanan sa Maginhawa at kakaliwa sa CP Garcia, kakanan muli sa Katipunan Ave, kaliwa sa A. Bonifacio Ave, diretso sa Gen Luna Ave, kanan sa Kambal road, kaliwa sa GSIS road, Kaliwa sa Jones St., kanan muli sa Gen Luna Ave., diretso ng A.Mabini, kakaliwa sa E. Rodriguez Highway at kakanan sa Payatas Road patungo sa kanilang destinasyon.
Maaari ring dumaan ang mga light vehicle sa Magiting St., kanan sa Maginhawa,kaliwa ng Mayaman hanggang Kalayaan Ave., at tuloy na sa kanilang destinasyon.
Para naman sa mga truck galing Katipunan Ave., at C5, maaari nilang gamitin ang Luzon flyover, kaliwa sa Congressional Ave., at tuloy na sa kanilang destinasyon.
Simula kahapon, sarado na sa trapiko ang Commonwealth Avenue (Eastbound)-Tandang Sora sa kaliwang pagliko hanggang ngayong Lunes. (Dolly Cabreza)
The post Traffic rerouting plan para sa SONA, inilabas first appeared on Abante Tonite.
0 Comments