`Dodong’ lumakas, Northern Luzon inalarma

Inalarma ng mga awtoridad ang ilang probinsya sa Northern Luzon dahil sa paglakas ng bagyong Dodong na huling namataan sa baybaying dagat ng Laoag, Ilocos Norte nitong Biyernes, Hulyo 14.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), hanggang alas-singko ng hapon nitong Biyernes ay itinaas na ang signal no. 1 sa Cagayan kabilang ang Babuyan Islands, Apayao, Ilocos Norte, Abra, Ilocos Sur, Mountain Province, Kalinga, at ilang lugar sa Isabela (Mallig, Quezon, Santa Maria, Cabagan, Delfin Albano, Tumauini, Santo Tomas, San Pablo, Maconacon).

Makakaranas din umano ng mga pag-ulan sa Mimaropa, Bicol Region, Western Visayas, Calabarzon, Metro Manila, Central Luzon at sa iba pang lugar sa Northern Luzon dahil sa lumakas na habagat.

Nagbabala ang Pagasa sa mga maliliit na sasakyang pandagat na maging maingat sa pagpunta sa laot.

“If inexperienced or operating ill-equipped vessels, avoid navigating in these conditions,” babala pa ng Pagasa.

Posibleng umakyat umano sa tropical storm category si `Dodong’ ngayong Sabado habang nasa West Philippine Sea at inaasahang lalabas na ito sa Philippine Area of Responsibility nitong Sabado o sa Linggo.

The post `Dodong’ lumakas, Northern Luzon inalarma first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments