Ginang tegi sa talop na kable

Nasawi ang isang 53-anyos na ginang matapos nitong mahawakan ang talop na kable ng kanilang electric fan noong Biyernes sa Real, Quezon.

Sa ulat, isasaksak sana ng biktimang si Merced Arogante, ng Barangay Pandan sa nasabing bayan, ang plug ng kanilang bentilador nang sumayad ang kamay nito sa talep na kable nito bandang alas 7:30 ng gabi.

Nagkikisay itong bumagsak at nawalan ng malay.

Dinala siya ng kanyang mga kaanak sa Claro M Recto Memorial District Hospital sa Infanta, Quezon pero nalagutan na ito ng hininga.

Ayon sa inisyu ng ospital na medical certificate, nakaranas ng myocardial infarction ang biktima sanhi ng pinsalang dulot ng mataas na boltahe ng kuryente. (Ronilo Dagos)

The post Ginang tegi sa talop na kable first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments