Meralco Bolts kinuryente ang 2 karibal sa PBA 3×3

Kumpleto ang boltahe ng Meralco sa Leg 4 ng PBA 3×3 First Conference, kinuryente ang first three leg winners Ginebra at TNT sa Ayala Circuit Mall sa Makati nitong Lunes.

Unang itinumba ng Bolts ang Legs 1 at 2 winner Ginebra 19-15 bago isinunod ang Leg 3 ruler TNT 21-13 tungo sa 2-0 card sa Pool A.

Sinipa ng Tropa ang Gins (0-2) via 18-17 win sa likod ng 7 points ni Almond Vosotros para umusad din sa knockout stage ngayon.

Pasok din sa quarterfinals ang Wilcon Depot, San Miguel at Cavitex. Sinuyod ng Wilcon sa Pool B ang Blackwater (14-13), NorthPort (18-14) at Pioneer Elastoseal (17-16).

Abante ang Batang Pier (1-1) at Bossing (1-1).

Naka-tigalawang panalo sa Pool C ang Beermen at Braves. Itinaob ng SMB ang Purefoods (21-13) at Terrafirma (21-19), biktima ng Cavitex ang Dyip (21-19) at Titans (19-18).

Naungusan ng Terrafirma ang Purefoods 18-11 para upuan ang huling quarters slot sa Pool C. (Vladi Eduarte)

The post Meralco Bolts kinuryente ang 2 karibal sa PBA 3×3 first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments