Janice binida ang 7 taong relasyon kay FPJ

Naungkat ang matinding pasabog ni Janice Jurado tungkol umano sa naging relasyon nila ni Fernando Poe Jr., na alam daw pala ng anak nitong si Lovi Poe.

Sa panayam ng ‘Marisol Academy’ kay Janice ngayong Miyerkules, sinabi ni Janice na pitong taon umano tumagal ang namagitan sa kanila ni FPJ.

“Seven years. Dun kami sa kuwadra lagi o kaya sa bahay,” wika ni Janice na isa sa bida sa pelikulang ‘Manang’.

Ang pinanghinayangan niya, sana raw ay nabuntis si ni ‘Da King’ noong sila pa.

“Sayang nga p*nyeta. Nako kung ako nabubuntis pa non, magpapaanak ako kahit apat,” bulalas pa ng aktres.

“Kasi nung time na ‘yon naaksidente na ko, pumasok ‘yung manibela sa tiyan ko, tumama sa matres ko,” dagdag pa niya.

Pag-amin pa niya, marami raw siyang nakarelasyon noon na puro politiko, pero may mga asawa na rin.

Siya rin daw ang nagsabi kay Lovi na may namamagitan sa kanila ni FPJ. Hindi naman daw nagalit ang co-star niya sa ‘FPJ’s Batang Quiapo’ noong malaman ito.

“Wala, napakabait na bata ni Lovi,” kuwento ni Janice.

Samantala, wala pang pahayag ang kampo ni FPJ sa pasabog ng aktres. Bukas ang panig ng kinauukulan para sa ikalilinaw ng isyu.

Abangan pa ang iba pang pasabog ni Janice sa ‘Marisol Academy’ na napapanood tuwing Lunes hanggang Biyernes, 3PM sa Abante News FB, TikTok at YouTube.(RP)

The post Janice binida ang 7 taong relasyon kay FPJ first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments