Kiara bagong Reyna ng Aliwan 2023

Sa pangunguna ng Iloilo Dinagyang, nakuha ng Western at Central Visayas ang apat sa limang mataas na ranggo ng mga nagwagi sa 2023 Aliwan Fiesta streetdance showdown.

Ang Tribu Parianon ng Molo, Iloilo na siyang tinanghal na grand champion ay nagbigay ng ika-walong kampeonato sa mga Ilonggo, kasama na ang pagkapanalo ng Pintados de Passi noong 2005.

Pumangalawa naman ang Lumad Basakanon na kumatawan sa Sinulog ng Cebu, sunod ang Hubon Balsahon ng Manggahan Festival sa Guimaras. Nasungkit ng Halamanan Festival ng Guiguinto, Bulacan ang ika-apat na puwesto, at pang-lima naman ang Kadalag-an Festival ng Victorias, Negros Occidental.

Sa float competition, nanalo rin ang Halamanan Festival, na sinundan ng Sipa sa Manggis mula Cotabato City, at ng Lapat Festival ng Calanasan, Apayao.

Si Kiara Liane Wellington naman ng Sinulog ang hinirang na Reyna ng Aliwan. First runner up si Kristine Billy Tabaday ng Ayat Festival ng La Union, at kapwa second runners-up sina Natalya Margaret Lindsay ng Tagulgtol Fishing Festival ng Atimonan, Quezon; Patricia Marie Mendiola ng Pasiyahan Festival ng Lucena; at Ghenesa Mueller ng Udyakan Festuval ng Kabankalan, Negros Occidental.

Ang 2023 Aliwan Fiesta na nagbalik mula sa ilang taong pananahimik dala ng pandemya ay handog ng Manila Broadcasting Company at Star City, katuwang ang Cultural Center of the Philippines at ang mga lungsod ng Pasay at Maynila.

The post Kiara bagong Reyna ng Aliwan 2023 first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments