Mga Japanese Vietnamese palaban sa PVL Invtl semis

IPINAHAYAG ng Premier Volleyball League Huwebes ang pagdating ng dalawang dayuhang guest team na sasabak sa semifinal round ng 6th PVL Invitational Conference 2023 sa Hulyo 20 sa Philsports Arena sa Pasig City.

Ang mga ito ay ang Kurashiki Ablaza mula sa Yokohama, Japan at ang Kinh Bac-Bac Ning ng Vietnam na sasagupa sa apat na lokal na koponan na tutuntong sa matira-matibay na semis ng mid-season tournament na inoorganisa ng Sports Vision Management Group Inc.

Nakatakda nilang harapin ang mangungunang dalawang club mula sa Pool A at Pool B sa isang round robin qualifier para sa Final 4 ng liga na magpapatuloy sa Martes, Hulyo 11 at mga suportado ng BingoPlus, ArenaPlus, Mikasa, Smart, Rebisco, Kumu, Asics at SportRadar.

Magpapatindi ng aksiyon ang Kurashiki Ablaze at Kinh Bac Bac Ninh sa torneo na nagpahinga muna para magparaya sa 5th Volleyball Nations League Men’s Tournament 2023 Week 3 PH Leg.

(Lito Oredo)

The post Mga Japanese, Vietnamese palaban sa PVL Invt’l semis first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments