P6M droga sa 2 parcel nasilat

Halos P6M o kabuuang P5.9 milyong halaga ng illegal na droga ang nasabat ng Bureau of Customs (BoC) at PDEA-IADITG sa dalawang parcel sa DHL warehouse sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Unang naharang ng BoC ang isang inbound parcel na idineklarang Steel Bread Toaster na padala ng isang Ebay Inc. ng 134 Central Ave., Phoenix, Arizona USA, at naka-consign kay Raymond Dulla, ng Bangkal Makati City, kung saan nakalagay ang 318 gramo na hininalang shabu.

Habang ang isang outbound parcel naman na idineklarang Hair Dryers and Brushes na padala ng isang Cherry Aguiling, ng Molino Bacoor, Cavite, ay naka-consign kay Gordon Wood, ng Mount riverside Australia, kung saan nakalagay ang 3 improvised pouches ng hinihinalang shabu.

Ang naharang na 2 parcel ay naglalaman ng may kabuuang 878 grams na hinihinalang shabu. (Otto Osorio)

The post P6M droga sa 2 parcel nasilat first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments